Bagong mukha ng bantang panseguridad

KAMAKAILAN lang ay nagkaroon ng malaking landslide sa Compostela Valley at bago ito ay patuloy ang pag-ulan at pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao. Wala pa rito ang salanta na ginawa ni Sendong na nag-iwan ng mahigit sa isang libong nasawi.

Ayon sa mga eksperto, ang banta ng climate change at environmental degradation ang lumalabas na dalawa sa mga pinakamapanganib na banta sa ating pambansang seguridad. Kaiba sa iba pang mga banta tulad ng transnational crime, terorismo at pagsabog ng populasyon, ang mga ito ay gawang tao at maaaring maibsan o labanan ng tao rin mismo. Subalit ang hagupit na dulot ng inang kalikasan ay imposibleng labanan ng tao bagkus ay maari lang harapin at tiisin na lang dahil wala tayong laban sa galit ng kalikasan.

Bukod sa isang bansang pandagat o maritime nation tayo, binubuo pa tayo ng napakaraming isla o isang archipelagic maritime nation. Ang kinalulugaran pa natin sa gitna ng mga pangunahing karagatan sa mundo ang nagbibigay ng karagdagang value o halaga sa pagiging pangunahing bansang pandagat ng Pilipinas.

Sa kabila ng ating pagiging bansang pandagat, ang lumulutang na mga bantang pangkalikasan ang nadaragdag sa mga panganib na ating hinaharap at haharapin sa mahabang panahon. Ibig sabihin, kung ang isang bagyo halimbawa sa ibang bansa ay may mataas na lebel ng panganib, ang ating pagiging malapit sa karagatan ay nagdaragdag pa ng higit na panganib dulot ng ganitong banta.

Dito ngayon makikita at mauunawaan ang kahalagahan ng pagpapalakas at pagpapalawig ng ating kakayahang harapin ang mga pa-nganib na mula sa karagatan. Sa halip na tiisin na lamang natin ang hagupit ng mga sakuna, maari rin naman nating harapin ng buong lakas ang kanyang pananalanta, kasabay ng mga hakbang na dapat nating tahakin upang mabawasan ang epekto at paglala ng mga bantang ito.

Dito natin makikita na napaka-importante ang isang malakas at maaasahang Hukbong Dagat na kayang humarap sa mga ganitong bantang pangkalikasan. Sa panahon ngayon, higit sa lahat, ang inyong Navy ay dapat na higit na magpursigi upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan.

Sa tulong at suporta ng bawat Pinoy na anak ng dagat, kakayanin natin to!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply