Bagong PCG chief nanguna sa drug testing

NANGUNA sa isang voluntary drug testing ang bagong talagang hepe  ng Philippine Coast Guard (PCG) upang matiyak na negatibo ito sa iligal na droga.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Edmund C. Tan, masaya ito  na makitang nakikipagkooperasyon ang mga opisyal ng coast guard kung saan ikinagalak din ng komandante na lahat ng resulta ng eksaminasyon ay lumabas na negatibo.

“This move of the command was in view of the mandated task of the PCG as law enforcer who also interdicts illegal use, transport and manufacture of illegal drugs that Coast Guard must set an example to be drug-free organization,” ayon kay Tan.

Umaabot sa 57 opisyal ng PCG ang boluntaryong sumailalim sa drug testing sa pangunguna ni Tan.

Sinabi ng PCG Chief ,ipagpapatuloy nito ang nasabing hakbang  sa ilan pang mga PCG officer at non-officer nationwide.

Samantala, nagbigay na rin ng guidelines at naglatag na rin ng ilang mga proyekto si Tan na kanyang gagawin sa ilalim  ng kanyang panunukulan sa tulong na rin  ng PCG.

“The satisfaction of our customers (the maritime stakeholders) in complying with national and international standards, through excellent and quality service,”  ani Tan.

“The projects will be anchored with the commands’ vision of ensuring a safe, clean and secure maritime environment.” Dagdag pa ng PCG chief. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply