Bagong tindera tinangay ang pera ng amo

WALA pang isang araw bilang tindera ay tinangay nito ang pera ng kanyang amo sa Caloocan City kahapon (Enero 30).

Pinaghahanap ang suspek na nagpakilalang Liway Martinez, 20 at tubong Catarman, Samar.

Sa pahayag ng biktimang si Jenny Gonzales, 26 at residente ng Kapanalig St., ng lungsod, Linggo ng gabi nang mag-apply na tindera sa kanyag bakery ang suspek at dahil mukha namang mabait ito ay kanyang tinanggap.

Kinabukasan, dakong alas-3:30 ng hapon, umalis ang biktima upang pumunta sa barangay upang kunin ang permit ng bakery at inwang nagtitinda ang kapatid na si Rona, 20 at ang suspek.

Makalipas ang ilang sandali ay sinabi ng suspek kay Rona na ipinakukuha ng biktima ang pera na nasa ilalim ng damitan at dalhin ni Matinez sa barangay.

Sumunod naman si Rona at kinuha ang P15,400 bago inabot sa suspek na agad na umalis.

Makalipas ang kalahating oras ay umuwi ang biktima na agad na tinanong ni Rona kung nakuha ang pera subalit wala umano siyang pinakukuha.

Inabot ng gabi at nang hindi pa bumabalik ang suspek ay nagpunta na sa presinto ang biktima upang magreklamo.

Tanging iniwan ng suspek ay ang kanyang ilang pirasong damit at litrato.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply