Bagong tourism campaign ng DOT, inilunsad

INILUNSAD na kaninang umaga ng Department of Tourism (DoT) ang kanilang tourism campaign na “It’s more fun in the Philippines.”

Ang “#1 for fun Philippines” ay slogan para sa domestic market habang ang “It’s more fun in the Philippines” ay para sa international campaign.

Layon ng DOT sa bagong slogan na mapalago pa ang sektor ng turismo sa bansa.

Ayon kay Tourism Sec. Ramon Jimenez Jr., maliban sa pagiging simple, mas madali rin maintindihan at “competitive” ang bago nilang kampanya.

“We need a line that is easily understood. Competitive. More fun in the Philippines is true. Keri natin ito,” giit ng kalihim.

Nabatid na bago inilabas ang bagong slogan ay kumuha pa ng advertising agency ang DoT para sa pag-aaral sa nasabing bagong tourism campaign ng Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply