Bahay ng guro nilooban; pera, alahas nilimas

TINATAYANG aabot sa P250,000 ang iba’t ibang alahas, cash at mahahalagang dokumento ang tinangay ng limang hindi pa nakikilalang holdaper sa isang retiradong public school teacher sa Ilocos Sur.

Ang biktima ay nakilalang si Severino Corpoz, 63 at residente sa Imus, Santiago ng nasabing probinsya.

Batay sa report ng Ilocos Sur provincial police, limang hindi nakilalang kalalakihan umano ang pumasok sa bahay ng biktima .

Iginapos din umano ang biktima kasama ang iba pa niyang kasama sa bahay bago nilimas ang lahat ng kanyang alahas, pera at mahahalagang gamit at papeles. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply