Balasubas na kompanya dapat kastiguhin

NITONG mga nakalipas na araw ay sunod-sunod ang aking mga natanggap na reklamo ng mga

obrero ukol  sa kanilang mga pinagtatrabahuhang kompanya na kesyo hindi nagbigay ng 13th month pay o kalahati lang nito, hindi nagpapasuweldo nang maayos at   hindi nagbabayad ng regular sa  Social Security System (SSS) at PAGIBIG.

Isa sa may pinakamaraming reklamo rito ang MD Infoman  Solutions Inc. na  matatagpuan sa Common Goal Tower Industry St., Cor. Finance Road, Madrigal Park, Alabang, Muntinlupa City.

Hindi na umano maganda ang nangyayari sa kompanyang ito nitong mga  nakalipas na taon dahil isa-isa nang nawala ang dating magandang benepisyo na kanilang tinatanggap at nitong nagdaang  taon ay nawala na rin umano ang kanilang taunang  pagtataas ng kanilang suweldo.

Tinanggap iyon ng mga empleyado kahit walang ibinigay na paliwanag ang kompanya kung bakit hindi sila tinaasan ng kanilang suweldo ngunit ang hindi nila matanggap ay ang ‘di  pagbabayad ng kompanya ng monthly contributions sa SSS at PAG-IBIG gayung patuloy naman daw silang kinakaltasan sa kanilang mga suweldo.

Sa tuwing nagtatanong daw ang mga empleyado ng  MD Infoman Solutions Inc. tungkol sa status ng kanilang SSS  at PAGIBIG, ang parating isinasagot ng nasabing kompanya ay maghintay lang sila at babayaran naman daw nila ang SSS.

Maging ang kanilang 13th month noong nakalipas na Disyembre ay kalahati lang ang ibinigay at ni hindi man lang daw  nag-post ng memo ang management na  kalahati lang ang kanilang ibibigay at hanggang ngayon ay wala pa raw malinaw na dahilan kung bakit kalahati lang ang kanilang nakuhang 13th month.

Nangangamba ang mga empleyado na baka lalong hindi mabayaran ang kanilang utang sa SSS at pag-ibig kung tatagal pa ng ganito nang ganito.

Kung totoo ang sumbong ng mga empleyado na  buwan-buwan silang kinakaltasan ng kompanya ng kanilang SSS at PAGIBIG, ay saan napupunta ang mga ikinaltas sa empleyado at kaninong bulsa napupunta ang mga ito? (ITUTULOY)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply