Balikbayan, 2 holdaper utas sa Taguig

PATAY ang isang balikbayan mula sa Canada matapos manlaban at barilin ng  dalawang holdaper na napatay din ng mga rumespondeng pulis sa lungsod ng Taguig.

Nakipagbarilan umano ang mga suspek sa mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at napilitang tumakas patungo sa isang residential area sa Lower Bicutan.

Kapwa napatay ang dalawang suspek sa loob ng isa sa mga kabahayan sa lugar kung saan inabutan ang isa sa banyo at doon pinagbabaril ng mga pulis at ang isa naman ay inabutan sa likod-bahay.

Hindi pa pinapangalanan ang balikbayan at ang dalawang holdaper na napatay ng mga pulis. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply