Banta ng China: Turuan ng leksyon ang Pinas!

BIBIGYAN ng leksyon ng bansang Tsina ang Pilipinas sa ginawang pakikipagsundo sa Amerika at pagpayag na makialam sa problema sa West Philippine Sea.

Bagama’t wala pang opisyal na reaksyon ang China sa isyu, inilathala sa isang state-run newspaper ang pag-alma ng Beijing sa nabanggit na hakbang ng Philippine government.

Partikular na ikina-alarm ng China ay ang ulat na pag-deploy ng Amerika ng U.S. navy ships at pagpapalakas ng puwersa sa Pilipinas.

Ipinanawagan na rin nito ang pagputol ng China sa economic activities nito sa Pilipinas.

“The Philippines is a suitable target to impose such a punishment. A reasonable yet powerful enough sanction can be considered. It should show China’s neighboring area that balancing China by siding with the US is not a good choice,” ayon sa editorial ng Global Times, diyaryo ng Communist Party of China.

Maliban sa China at Pilipinas, nakikipag-agawan din sa teritoryo ang Taiwan, Brunei at Malaysia.

Una nang inamin ni Defense Sec. Voltaire Gazmin na interesado ang U.S. government sa pagpapalakas ng kanilang presensiya sa nabanggit na rehiyon.

Idinepensa rin ni Gazmin ang magiging presensiya ng American soldiers sa bansa dahil makakatulong ang mga ito sa modernization ng military equipment at kakayahan ng mga Pilipinong kawal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply