Barangay chairman utas sa sariling kapatid

TADTAD ng bala ang isang barangay chairman matapos barilin ng kanyang sariling kapatid kagabi sa Lanao Del Sur, sa ulat ng pulisya.

Sa report na ibinahagi ni PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., naganap ang mala-Cain at Abel biblical crime story alas 8:00 ng gabi sa Barangay Campo, Tubaran, Lanao del Sur.

Kinilala sa ulat ang biktima na si Dawat Acob, 43, Brgy Chairman ng nasabing lugar.

Kinilala naman ang kuya nito na bumaril na si Lawa Acob, 47, agad na tumakas matapos ang pamamaslang.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang ilang empty shells mula sa M16- Armalite rifles.

Kasabay ng inilunsad na manhunt operation ay inaalam din ng mga imbestigador ang motibo sa likod ng krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply