Barangay tanod holdaper sa Pasay

ISANG barangay tanod ang itinuturong holdaper na nambibiktima sa mga dumaraan sa Malibay footbridge sa Lungsod Pasay.

Nabuko ang masamang gawain ng barangay tanod na si Levi Amistoso, 36, makaraang personal na kilalanin ng kanyang nabiktima na si Lailani Alfonso, 28, customer care service personnel na nilapatan ng lunas sa Pasay City General Hospital dahil saksak sa katawan.

Batay sa salaysay ni Alfonso, dumaan umano siya sa Malibay footbridge pauwi sa kanilang bahay sa Malibay dakong 2:45 kahapon ng madaling araw.

Nilapitan umano siya ng isang lalaki sa kanyang likuran at itinutok ang patalim bago sapilitang kinuha ang kanyang bag pati na ang suot na alahas.

Dalawang kasamahan ng suspek ang nagsilbing lookout. Hindi pa umano nakuntento ang isa sa holdaper at pinagsasaksak pa ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago tumakas patungong E. Rodriguez Ext.

Naisugod naman sa pagamutan ang biktima ng isang nagmalasakit na estudyante.

Sa ginawang follow-up operation, sinabi ng biktima na nakasuot ng barangay tanod vest ang nagsilbing lookout.

Naimbitahan sa pagamutan ang nahuling barangay tanod at dito kinilala ang suspek ng biktima.

Nakapiit na ngayon sa Pasay City SIDMS ang suspek habang pinaghahanap pa ang dalawang kasamahan nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply