Barbosa, Gomez hindi matinag sa tuktok

PATULOY ang pamamayagpag sa tuktok ng liderato nina Pinoy Grandmasters Oliver Barbosa at John Paul Gomez matapos makipaghatian ng puntos sa kanilang nakatunggali sa eight round ng nagaganap na 10th Parsvnath International Open Chess Tournament 2012 kagabi (Enero 20) sa Ludlow Castle Sports Complex, Civil Lines, New Delhi, India.

Nakipagsundo ng draw si No. 6 seed Barbosa, (Elo 2573) kay No. 5 ranked GM Andrei Deviatkin (Elo 2574) ng Russia sa kanilang 92 moves ng Queen’s Gambit.

Nakaharap naman ni No. 14 seed Gomez (Elo 2506) ang kababayang si GM Mark Paragua (Elo 2522) na nauwi sa tabla matapos ang 26 moves ng Slav.

Nakalikom sina Barbosa at Gomez ng tig 7.0 puntos habang si Paragua ay kasalo sa third to eighth places na may 6.5 points papasok ng ninth round.

Makakalaban ni Barbosa sa round nine si GM Evgeny Gleizerov (Elo 2566) ng Russia habang si Gomez ay makikipagpisakan kay International Master Nikil P Shyam (Elo 2482) ng India.

Malaki pa ang tsansa ni No. 11 seed Paragua na makuha ang titulo kaya panigurong makikipagpigaan ito ng isip laban kay IM Das Debashis (Elo 2389) ng host country.

Sina Evgeny, Nikil at Das ay kapareho ng puntos ni Paragua.

Ang ibang kasalo nina Paragua ay sina Deviatkin at IM K Rathnakaran (Elo 2403) ng India.

Samantala, inaalat pa rin si GM Richard Bitoon (Elo 2515) dahil nabigo ito kay Murali Karthikeyan (Elo 2225) ng India. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply