Barbosa, Gomez nagliliyab sa India chess tilt

NAG-AAPOY sina Pinoy Grandmasters Oliver Barbosa at John Paul Gomez sa paglilista nila ng malinis na karta matapos ang fifth round ng nagaganap na 10th Parsvnath International Open Chess Tournament 2012 kanina sa Ludlow Castle Sports Complex, Civil Lines, New Delhi, India.

Kasama nina No. 6 seeded Barbosa at No. 14 ranked Gomez si GM Marat Dzhumaev ng Uzbekistan sa liderato.

Pinisak ni Barbosa si IM Ashwin Jayaram ng India upang makaharap sa round six si Marat na giniba si IM Suri Vaibhav ng host country.

Si Gomez na tied for second sa SDAT-RMK 4th Chennai Open Grand Master Chess Tournament sa Chennai, India noong nakaraang linggo ay pinisak si Indian FM Diptayan Ghosh.

Makakalaban ni Gomez si IM M R Babu Lalith, (elo 2484) ng India na may 4.5 points.

Kasalo naman si GM Mark Paragua sa seventh to 35th places na may 4.0 points matapos makipaghatian ng puntos kay Banerjee Bitan ng India.

Samantala, patuloy na minamalas si GM Richard Bitoon dahil natikman nito ang ikalawang sunod na kabiguan upang mapako ito sa 3.0 points.

Nalugmok si No. 12 seeded Bitoon kay No. 65 ranked Sharma Hemant ng India.

Kapareho ng puntos ni Paragua sina top at second seeded GM Chanda Sandipan ng India at GM AleksejAleksandrov ng Belarus. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply