Barbosa panalo, Gomez tabla sa round 10 ng Chennai Open

KINALDAG ni Grandmaster (GM) Oliver Barbosa si IM Jahongir Vakhidov ng Uzbekistan matapos ang 35 moves ng King’s Indian defense para manatili sa kontensiyon matapos ang tenth round ng SDAT-RMK 4th Chennai Open Grand Master Chess Tournament sa Chennai, India kahapon.

Nakapagtala ang Taytay, Rizal native Barbosa ng total 7.5 points, kaparehas ng puntos na naitala ng kababayan na si GM John Paul Gomez.

Tabla naman ang Biñan, Laguna bet Gomez kontra kay GM Hoang Thanh Trang ng Hungrary matapos ang 29 moves ng French defense.

Tabla rin si GM Mark Paragua kay IM Konguvel Ponnuswamy ng India matapos ang 40 moves ng Sicilian defense tungo sa 7 points. Subalit nabigo naman si GM Richard Bitoon kontra kay IM Nitin S ng India sa 33 moves ng Sicilian defense para mapako sa 6.5 points.

Giniba naman ni Yu Ruiyuan ng China ang kababayan na si Zeng Chongsheng sa 51 moves ng Caro-Kann defense para makopo ang pangkahalatang liderato na may 8.5 points. Naghati naman sa puntos sina top seed GM Aleksej Aleksandrov ng Belarus at IM Akshayraj Kore ng India sa 36 moves ng Queen’s Gambit declined para kapwa magtala ng tig-8 points.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply