Barya

MALIMIT na ‘di natin napapansin ang barya. Halos wala itong nabibili sa mahal ng bilihin ngayon. Pero ang kuwentong ito ng isang kaibigan ay napatunayang mahalaga ang barya.

Si Adrian ay isang mayamang contractor ngunit bigla siyang naghirap nang mabaon siya sa utang dahil sa kinailangan niyang ipagamot ang asawa niya na nagkaroon ng kanser.

Dahil dito napabayaan niya ang kaniyang negosyo. Ang masama pa ay pinagsamantalahan siya ng kaniyang mga katiwala at ninakawan pa siya. Ang dating mga kaibigan noong may pera pa siya ay naglahong parang bula at ‘di man lamang siya natulungan.

Halos hindi na kumakain ang pamilya ni Adrian. At hindi niya alam kung mabubuhay pa ang misis niya. Ang perang natira na lang sa kaniya ay mga ipong barya sa alkansya at ito ay ibinibili niya ng pagkaing kalye para sa kaniyang mga anak.

Halos manlimos na siya at tinitiis na lamang niya ang gutom. Ang naiwang pag-asa na lang kay Adrian ay ang tiwala sa Diyos. Hindi bumitaw si Adrian sa paniniwala niya na iaahon siya ng Panginoon. At ganoon nga ang nangyari.

Minsan ay may nakita siyang dayuhang nakikipag-away sa taxi driver. Nilapitan niya.  Sinisingil ng sobra ng driver ang dayuhan samantalang wala pang bente pesos ang bayaran noong mga panahong iyon.

Nakialam si Adrian at naawa siya sa dayuhan kaya’t ang konting barya na natitira sa bulsa niya ay ibinayad niya sa taxi driver.

Naayos ang problema ng dayuhan, “Thanks, what is your name? How could I pay you?”

“It’s ok. I’m on my way looking for a job.”

“A job! What do you do?”

“I’m an engineer.”

“Oh. What luck! I’m here in your country because I will be doing a project and I need an engineer. We can talk.”

Nagulat si Adrian. Isang big-time contractor pala ang dayuhang tinulungan niya. Nagkasundo sila at binigyan siya ng ten-year contract.

Nakaahon si Adrian at nabayaran ang kaniyang mga utang. Yumaman muli at ngayon ay may sarili na siyang hotel at construction firm. At higit sa lahat, nag-survive ang kaniyang misis.

Ang konting barya ni Adrian ay mahalaga. Iyon na lang ang kaniyang pera pero ginamit niya sa pagtulong sa kapwa.

“Salamat sa Diyos,” ani  Adrian.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply