Basilan massacre suspects kilala na

KILALA na ng mga awtoridad ang suspek sa pamamaril sa grupo ng mga mangingisda sa  Basilan kahapon.

Ayon kay Westen Mindanao Command spokesman Lieutenant-Colonel Randolph Cabangbang, patuloy na ang kanilang ginagawang hot-pursuit operations laban sa mga responsable.

Kahapon ay niratrat ng mga suspek ang nasabing mga mangingisda, 15 ang naiulat na napatay, habang tatlo pa ang sugatan.

Sinasabing awayan sa teritoryo ng palaisdaan ang motibo sa krimen.

Kinumpirma naman ni Cabangbang na matataas na kalibre na armas ang ginamit sa pag-atake sa mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply