Bastos na staff ng isang noontime show dapat sibakin!

NAAAWA kami sa isang kwento ng isa naming kasama sa panulat. Minsan daw kasi ay wala siyang magawa sa kanyang maliit na kwarto kaya minsan napilitan siyang bumiyahe patungong Broadway Centrum at pumunta siya sa studio ng Eat Bulaga.

Sa kasawiang palad, hindi raw siya pinapasok ng guard na nasa lobby ng studio at sinita at tinanong kung meron siyang appointment sa sino mang mga artists ng kanilang show.

“Wala akong appoinment kahit kanino,” ang tanging nasambit ng hitad. Nasabi nitong taga-media raw siya at katunayan, isinusulat daw niya ang isa sa mga regulars ng naturang show.

Ang siste sinabi raw ng guard na si Heidy raw ang siyang nangangasiwa at ibinigay naman ng reporter ang kanyang sinulat na, in return, ay ipinakikita sa executive staff.

Nang bumalik daw ang guard ay sinabi nito na ipinababalik ang sinulat ng aming kaibigan dahil hindi raw ganyang klase ng publicity ang gusto nila o tinatanggap para mabigyan ng pabuya o yung tinatawag na pakimkim.

Publicity lang yan para sa isang artista at hindi para sa Eat Bulaga. Sabi ng bading na manunulat, hindi naman daw si Ms. Heidy o ang sinumang executive o staff ang puntirya n’yang puntahan kundi ang kaibigang sinulat niya.

Sabi pa raw ng guard, dapat tungkol sa Eat Bulaga ang isulat at hindi ang solo-solong publicity ng sino mang regular at ang pagkakasabi pa rin daw, wala raw pananagutan ang Eat Bulaga sa kanyang sinulat.

Ang sagwa naman ng pagkakakilala nila sa mga taong nagsusulat o yung mga writer na gusto lamang na makapagtrabaho nang maayos. Gusto naming ipaalam du’n sa staff na ito na kung mataas man ang posisyon niya sa Eat Bulaga, di siya nararapat na umasta nang ganon.

‘Yun lang!

***

Lester at Mark, back to back sa Library

SA DARATING na February 16, 2012 ay magkakaroon ng back to back concert ang dalawang mang-aawit ng Library na sina Lester Lucas at Mark Mabasa.

Kasama rin sa nasabing show bilang panauhin si Francis Rivera. Ang show ay pinamahalaan ni Andrew De Real na s’yang mga mentor ng tatlong magagaling na singers ng naturang comedy bar na located along Maria Orosa St. Cor., Julio Nakpil St. Malate, Manila.

Humihingi nga pala ng konting suporta si Lester Lucas para sa kanilang nalalapit na concert sa Library.

Gusto rin niyang pasalamatan ang lahat ng kanilang mga sponsors at higit sa lahat. si Andrew De Real sa walang sawang pagtulong nito sa kanyang singing career.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply