Bata na nahulog sa ilog nasagip ng PCG

NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang bata  na nahulog mula sa isang light boat sa ginanap na fluvial parade sa kapistahan ng Senor Sto.Nino sa General Santos City.

Ayon kay Joel Salanti ng Kabalikat Civicom, kabilang sila sa mga tumutulong sa seguridad ng nasabing kapistahan kung saan kinumpirma nahulog ang isang bata sa ilog habang isinaagawa ang fluvial parade.

Maagap naman umanong kumilos ang mga tauhan ng PCG na nakabantay sa lugar at agad na naiahon sa ilog ang biktima kaya hindi ito tuluyang nalunod.

Nabatid na marami ang sumama sa fluvial parade kung saan marami rin ang mga dayuhan na nakisali sa nasabing taunang selebrasyon ng kapistahan ng Senor Sto. Nino. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply