Bata nilamon ng buhay ng buwaya sa Indonesia

KALUNUS-LUNOS ang sinapit ng isang sampung-taong gulang na batang
babae makaraang lamunin ng buwaya sa Indonesia.

Batay sa imbestigasyon, naglalaro sa Wailolong River ang biktima nang
kainin ito ng buwaya.

Mismong ang ama ng biktima ang nakasaksi nang lulunin ng buwaya ang anak dahil limang metro lang ang layo niya sa bata.

Ayon kay Viktor Mado Waton, district head ng Lembata sa East Nusa
Tenggara province, nagtatampisaw ang biktima kaya hindi niya napansing nakalapit na pala ang malaking buwaya na tatapos sa kayang buhay.

Nabatid na naghahanap ng pagong ang ama at kapatid ng biktima na naglalaro naman sa ilog.

Noong December 2011 ay isang 12-anyos na batang lalaki rin ang nilulon
ng buwaya sa naturang ilog.

Dahil sa magkasunod na pangyayari, ipapasara na ng mga lokal na
opisyal ang ilog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply