Bayaran ng buwis sa Maynila hanggang sa Enero 20

NANAWAGAN ngayon ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa kanilang mga tax payer na hanggang sa Enero 20 na lamang ang palugit na ibinigay sa mga may-ari ng business establishments upang magbayad ng kanilang buwis at makaiwas sa penalties.

Naatasan sina city administrator Jay Marzan at city treasurer Marissa de Guzman ni Manila Mayor Alfredo Lim na abisuhan ang mga  negosyante na hindi na magbibigay ng anumang extension ang city government.

Sinabi ni Marzan na sapat na ang ginawang anunsiyo ng city hall kung kaya’t walang dahilan ang mga may-ari ng business establishments na hindi makapagbayad ng kanilang business taxes, business permits at iba pang regulatory fees para sa taong ito.

Nabatid na makakakuha ng sampung porsiyentong diskuwento ang mga negosyante na maagang makakapagbayad.

Papatawanan naman ng 25 percent penalty ang mga late na magbabayad.

Maaari ring magbayad ang mga tax payer tuwing Sabado at Linggo mula 9:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply