Bea Binene, Derrick Monasterio balik-kulitan sa set ng ‘Alice Bungisngis’

PANAY raw ang kulitan ngayon nina Bea Binene at Derrick Monasterio sa set ng Alice Bungisngis ng GMA-7 kasi napadadalas na naman ang pagkikita nilang dalawa, bukod pa sa ang labas nila ngayon ay mag-partner. Balitang unti-unti nang nakalilimutan ni Derrick ngayon si Sarah Lahbati dahil once a week lang silang nagkikita. Parang nabaling na naman daw kay Bea ang emote ng binata.

Bukod sa Alice Bungisngis, mag-partner na naman sina Bea at Derrick ngayon sa Tween Hearts. Galit-bati rin ang dalawa ngayon sa istorya ng Sunday soap ng GMA-7 na tampok na istorya ng Reel Love na mapanonood pagkatapos ng Party Pilipinas.

Tapos, dahil hit nga sa mga fan ang tambalang Bea at Derrick, aba sila ang first episode ng anniversary presentation ng Saturday morning drama anthology ng GMA-7 na hosted ni dating Mayor Atienza ng Manila.

Proud ang namamahala ng show ng Maynila sa tambalang Bea at Derrick na laging top rating kapag sila ang nagtatambal.

Kaya sa Saturday morning ay isang bonggang first anniversary episode ng Maynila ang mapanonood na tampok sa nakakikiliting drama anthology na bida and dalawa.

Pero ganyan lang talaga si Derrick, walang seryoso sa kanya pagdating sa pakikipagkaibigan sa girls kaya talagang mahilig lang siyang mangulit kay Bea. Wala lang naman ‘yon sa dalagita dahil pareho lang silang teenager at walang seryosohan. Knowing Bea, nakatutok ito sa kanyang career at pag-aaral ang priority niya sa ngayon.

***

Bong Revilla laging ganado dahil sa pagpasok ng ‘Panday’ sa 4th week

PUMASOK na sa ika-4th week ang Ang Panday ni Sen. Bong Revilla pero pinipilahan pa rin sa mga sinehan. Kaya naman kapag nagho-host si Bong ng Kap’s Amazing Stories ay lalo siyang nagiging masaya at laging di niya nakalilimutang mag-invite ng mga manonood na habulin pa sa mga sinehan ang multi-million nilang movie, Ang Panday, na unang pinagtambalan nila ni Marian Rivera.

Anyway, last Sunday tungkol sa mga animal na nabubuhay sa frozen world ang tinalakay ni Bong. Next Sunday, ipagpapatuloy ni Bong ang pagtalakay sa mga hayop na naninirahan dito. Ano naman kaya ang ginagawa nila kapag summer season sa tinatawag na frigid zone sa mundo? Walang taong nakatitira rito kundi mga hayop lang dahil sa sobrang lamig kahit summer pa.

***

HINDI maiaalis kay Psamstre President Jaime Acosta ang katuwaaan nang ipakilala niya ang mga candidates, male and female, para sa 2012 Search ng Mr. and Ms. Campus Image Model recently. All over the Philippines ang search na ito kaya may nakilala kaming candidates na galing ng Mindanao, Visayas ay malayong lugar sa Luzon na tulad ng Baguio.

Two years ago ang unang Search ng Mr. and Ms. Olive C. Dalawa sa winners ay may narating naman pareho sa showbiz at beauty world.

Si Hiro Magalona ang winner ng 1st Mr. Olive C Campus Image Model, at ang babae naman ay si Ms. Orais ng Cebu na tinanghal na Miss Earth Water sa nakaraang Miss Earth Beauty Pageant. Di pa nag-aartista si Orais dahil ibig muna niyang tapusin ang kurso niyang nursing. Pero marami ng billboard ads na siya ang tampok.

Si Hiro naman ay sunud-sunod na telenovela na ang nilabasan niya sa GMA-7. Kasama siya ngayon bilang main cast ng Tween Hearts.

Sa mga nakita naming 2012 candidates, may kamukha ni Daisy Reyes, Venus Raj at Shamcey Supsup. Sa mga kalalakihan naman ay mataas sila at tamang-tama na maging actor at model. Para silang mga Brazilian models na hit ngayon sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply