Beauty tips: Have a fair face

LAHAT na yata ng kababaihan ay nais na magkaroon ng fair face. Tama ba? Well mayroon sigurong mga hindi but marami sa mga Pinay ang nais na magkaroon fair face.

Upang magkaroon ng dream fair face ay kailangan talagang gumastos, hindi naman bongga kundi kahit bahagya carry na.

Tumatak sa isip ko ang isang Korean nobela na “Dream High.” Sa isang eksena na kausap ng isang guro ang kanyang may katabaan na estudyante. Anang guro, “Wala namang pangit na tao. Marami lang ang tamad!” Sa palagay komay punto ang guro sa nasabing palabas. Upang maipalabas natin ang ating natural na ganda ay kailangan lang nating mag-effort.

Ganito rin pagdating sa ating face. Aminado ako na tamad ako sa pag-aayos but ngayong 2012, susubukan kong mag-ayos muli upang maging confident anumang oras sa anumang sitwasyon.

Mabalik tayo sa nais na ma-achieve na fair face, narito ang ilang natural tips para magkaroon ng fair skin:

1. Gamit ang kalahating lemon, i-scrub ito sa mukha araw-araw para ma-lighten ang skin tone.

Nabatid na ang lemon ay isang “excellent bleaching agent,” at ito ay malaking tulong para maplantsa ang blemishes sa mukha.

Maganda rin na pagsamahin ang equal amount ng lemon juice at honey. I-massage ito sa mukha at tiyak na magkakaroon ka ng fair skin.

2. Kudkurin ang isang patatas at pigain (squeeze) ito upang makuha ang juice. Tapos ay i-apply ang juice sa mukha. Ito ay magsisilbing pang-bleach.

3. I-mash ang tomato pulp sa mukha upang magkaroon ng glow. Ang tomato ay mahusay sa pagkakaroon ng fair skin tone. Plus, ina-absorb ng tomato ang excess oil sa mukha upang ma-treat ang open pores dito.

4. I-aaply sa mukha ang cucumber juice na may kahalong lemon juice para ma-lighten ang skin.

5. Mabisa namang pampalambot ng mukha ang plain curd. Ang curd ay isang good source ng zinc at lactic acid, ang dalawa ay parehong nakaka-lighten ng skin tone.

6. Okay din na gumamit ng coconut water para magkaroon ng fair at flawless skin. Mainam din ang coconut juice para mabura ang scar na mula sa chicken pox.

7. Gumamit ng almond oil o olive oil. Imasahe ito sa mukha upang magkaroon ng fair and soft skin. Pwede itong haluan ng saffron (isang pinch) para sa mas magandang result. Alam ba ninyo na ang home beauty tips na ito ay pwede sa inyong babies?

8. Gumawa ng skin lightening mask gamit ang pinaghalong 1 spoon ng milk powder, 1 spoon ng lemon juice at 1 spoon ng almond oil.

I-apply ito sa mukha at hayaan ng 15 minutes bago hugasan ng malinis na tubig.

9. Para maging fair ang inyong dry skin ay mag-apply ng cucumber juice na hinaluan ng honey.

10. Muhusay rin ang egg white upang magkaroon ng fair skin, lalo na kung oily ito. Mag-apply nito twice a week.

11. Gumawa ng face pack gamit ang oatmeal, curd at tomato, mainam para ma-achieve ang fair skin.

12. Panalo rin ang pinagsamang tomato at 4 hanggang 5 patak (drops) ng lemon juice. I-apply ito sa mukha at hugasan ng malinis na tubig.

13. Paghaluin ang papaya, honey, sariwang gatas (kung meron) o kaya ay milk power. Mahusay na mixture para magkaroon ng fair face, lalo na kung oily ang mukha. Gawin ito sa bahay.

14. Kung akala nyo pampabango lang ng refrigerator ang mga balat ng oranges ay nagkakamali kayo. Huwag itong itapon maganda ito sa mukha upang magkroon ng fair skin. Simple lang, i-grind ang pinatuyong balat ng oranges at haluan ng gatas o curd. I-apply sa mukha ng ilang minuto bago hugasan ng malinis na tubig.

15. Ang labanos ay napakakinis at napakaputi, alam ba ninyo na hindi lang sangkap ng sinigang ang labanos? Ilagay ito sa tubig at pakuluan. Ang pinakuluang tubig ay i-apply sa mukha para magkaroon ng fair face.

16. Ihalo ang 2 spoon ng mint juice sa kalahating spoon ng lemon juice. I-masahe ito sa mukha ng ilang minuto at hugasa ng malinis na tubig. Mararamdaman mo ang kaginhawaan sa mukha pagkatapos i-apply ito. Mainam na pangtanggal sa whiteheads, hindi lang yan, nakatutulong na ma-exfoliate ang balat.

17. Kahit ang pinya ay mabuti rin sa ating mukha para magkaroon ito ng fair skin. I-apply ang juice ng hinog na pinya sa mukha at hugasan ng malinis na tubig.

18. Gumawa ng face pack gamit ang pakwan at papaya. I-apply sa mukha ng ilang minuto bago hugasan ng malinis na tubig. Mabuti para sa may mga oily skin.

19. Ibabad ang malinis na rose petals sa malinis na tubig. Ipanghilamos ito sa mukha o kaya naman ay i-spray para magkaroon ng fair skin.

20. Ang breadcrumbs na may cream (malai) ay mainam sa mukha kapag in-apply araw-araw ng ilang minuto.

21. Ang coconut oil ay nakatutulong na maging light ang skin sa mukha.

22. Ihalo ang milk powder sa honey. Imasahe ito sa mukha upang ma-achieve ang light skin at ito ay nakaka-ease ng fine lines ng mga mayroong dry skin.

Maliban sa mga nabanggit sa itaas na puro mga natural na pamamaraan upang magkaroon ng fair face ay gawin din ang mga sumusunod:

1. Iwasan na sumimangot. Laging pilitin na ngumiti.

2. Tumawa. Ang pagtawa ay mahusay na ehersisyo sa mukha at talagang nakapagpapabata.

3. Magkaroon ng sapat na tulog. Maganda ito hindi lang sa balat sa mukha kungdi sa buong katawan.

4. Maghilamos araw-araw lalo na kung galing sa labas at bago matulog.

Tiyakin lamang na nakapahinga ang mukha at mata. Huwag matulog nang may make-up pa ang mukha. Gamit ang make-up remover tanggalin ang make-up bago maghilamos gamit ang mild soap at malinis na tubig.

5. Uminom ng maraming fluids at tubig. Papanatilihin nitong hydrated ang ating balat.

6. Kumain ng prutas at gulay.

7. Maligo araw-araw!

8. Kung may problema sa balat ay iwasan ang self medication, komunsulta sa doktor o espesyalista sa balat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply