Bebot 3 araw ginawang sex slave ng textmate

TINANGAY at tatlong araw na ginawang sex slave ang isang dalaga sa lalawigan ng Pangasinan nang makipag eye ball ito sa kanyang textmate.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima sa pangalang Amor ng bayan ng Bayambang lalawigan ng Pangasinan.

Sa salayasay ng biktima sa Bayambang PNP, naganap ang pagtangay sa kanya noong nakalipas na Enero 16 at sa loob ng tatlong araw ay itinago siya at nagsilbing bihag ng kanyang textmate na kinilala lamang sa pangalang Natona sinasabing taga-Tarlac.

Sa panahon umanong hawak siya ng suspek ay ilang ulit siyang pinagsamantalahan ng lalaki.

Nabatid na ilang buwan ng kakilala ng biktima ang lalaki sa pamamagitan ng text messages at sa nasabing petsa ay nagkasundo silang mag eyeball.

Ayon sa babae, nagkaroon umano sila ng relasyon sa pamamagitan ng text messages at nitong Enero 16 ay nagkasundo ang dalawa na magkita.

At nang magkita nga ang dalawa ay pilit na niyayaya ng lalaki ang dalaga subalit tigas na pagtanggi umano ng babae pero o tinutukan ito ng suspek ng patalim at saka pinagbantaan.

Sa loob ng tatlong araw mula Enero 16 hanggang 18 ay nagawang itago at gahasain ng suspek ang biktima bago nagawa nitong makatakas at makapagsumbong sa kanyang pamilya.

Sa ngayon ay nakahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek na target ng manhunt operation. Verlin Ruiz

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply