Bebot na bibili ng lugaw patay sa saksak

PATAY ang 21-anyos na babae makaraang saksakin ng hindi pa nakikilalang suspek habang bumibili ng lugaw sa kanilang barangay sa Brgy. Holy Spirit, Quezon City kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Virginia de Luvian, self employed ng 46 Sampaguita St., Brgy. Holy Spirit, idineklarang dead on-arrival sa Malvar General Hospital dahil sa tama ng saksak sa katawan.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District station 6 Batasan, naganap ang insidente 4:00 ng madaling-araw kanina sa kahabaan ng Jasmin St., Brgy. Holy Spirit, QC.

Nabatid na naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Jasmin St., kasabay ang isang hindi nakikilalang lalaki na nasa 25 hanggang 35-anyos, kayumanggi, nakasuot ng itim na t-shirt, kupas na maong nang maganap ang insidente.

Nabatid sa ulat na habang papalapit sa lugawan ang biktima ay bigla na lamang itong nagtatakbo at humihingi ng tulong matapos saksakin ng suspek.

Isinugod naman ng nagmalasakit na tricycle driver ang biktima sa naturang ospital subalit hindi na umabot nang buhay.

Hinala ng pulisya na biktima ng holdap si de Luvian

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply