Bebot na Swiss national utas sa scuba diving

PATAY ang isang Swiss national matapos bawian ng buhay habang nag-scuba diving sa Boracay.

Dead-on-arrival sa Don Ciriaco Tirol Hospital sa Boracay si Martina Josefhina Elsehner, 28, taga-Swirzerland at kasakuluyang naninirahan sa Singapore.

Sa report, nag-i-scuba diving ang biktima kasama ang kanyang fiance na isa ring Swiss national na kinilalang si Oliver Keller, tatlong iba pa, gayundin ang kanilang diving master, sa bahagi ng karagatan ng Crocodile island sa Sitio Tambisaan Brgy. Manoc-Manoc sa Boracay nang maganap ang insidente.

Kuwento ng mga kasamahan ni Elsehner, matapos silang sumisid sa malalim na bahagi ng dagat ay sumenyas ang biktima na masakit ang kanyang tiyan kaya’t agad nilang sinaklolohan ngunit wala nang malay nang iahon sa dagat.

Balak ng fiance ng biktima na ipa-autopsy ang bangkay ng kanyang nobya na sa ngayon ay nakahimlay sa isang funeral homes sa Malay, Aklan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply