Bebot sa maleta kilala na

KINILALA na ang bangkay ng babaing natagpuang nakasilid sa maleta at iniwanan sa parking lot ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 kahapon ng umaga (Enero 11).

Nakilalang si Nashrade Hayudin, 32, nakatira sa Blk 4 Lot 5 Villa Hermano, Sauyo, Quezon City ang biktimang si Nidz Ailyn Bahjen, 23, tubong Patikul, Sulu na hinihinalang isang overseas Filipino worker (OFW) na nagmula sa bansang Bahrain.

Ayon kay Pasay City police chief Sr. Supt. Melchor Reyes, dumating sa bansa si Bahjen noong Martes (Enero 10) mula Bahrain subalit hindi na ito nakauwi sa kanyang bayan sa Patikul matapos matagpuang patay at isinilid sa dala niyang trolley bag bago iniwan sa parking lot ng nasabing paliparan.

Inaalam ngayon ng mga imbestigador ng Pasay police sa Department of Foreign Affairs at sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kung nakarehistro ang pangalan ni Bahjen bilang OFW.

Hindi rin makapagbigay ng impormasyon sa pulisya ang tiyahin ng biktima dahil wala rin siyang personal na kaalaman sa naging buhay ng kanyang pamangkin bagama’t ipinabatid na aniya niya sa ama ng biktima ang pangyayari.

May hinala naman ang pulisya na kilala ng biktima ang suspek na pumaslang sa kanya at posibleng isa ito sa sumundo sa kanya nang dumating sa bansa.

Kaugnay nito, bigo pa rin ang pulisya na makilala naman ang lalaking natagpuan sa loob ng isang plastic drum sa kanto ng Esguerra at Tolentino st. na may palatandaang pinagbubugbog at inundayan ng dalawang saksak sa leeg.

Inaalam naman ng pulisya kung may kaugnayan ang pagkakatagpo sa dalawang bangkay at pagbabasehan dito ang ilang mga nakitang gamit sa tabi ng bangkay ng pinaslang na lalaki.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply