Bebot tinodas sa harap ng pamilya sa Camarines

PALAISIPAN sa mga awtoridad kung ano ang nagtulak sa isang lalaking may-asawa para walang awang patayin ang isang dalaga habang naghahapunan kasama ang pamilya sa lalawigan ng Camarines Sur, iniulat ng pulisya ngayon.

Kinilala ang biktima na si Catalina Corbilla, 33-anyos at taga-Barangay San Rafael, Lupi, Camarines Sur.

Tumakas naman ang suspek na si Michael Fernandez, 29, may-asawa at residente rin ng nasabing barangay.

Base sa inisyal na pagsisiyasat na ginawa ng Lupi PNP, habang naghahapunan ang biktima kasama ang buong pamilya ay biglang pumasok ang galit na galit na suspek sa kanilang bahay at inundayan ng sunod-sunod na saksak ang dalaga.

Natulala ang pamilya ng biktima at hindi nagawang humingi ng tulong sa mga kapitbaghay dahi sa bilis ng pangyayari.

Inaalam pa ang motibo sa nasabing insidente kasabay ng manhunt operation sa tumakas na suspek na hinihinalang bangag sa pinagbabawal na droga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply