Bebot todas, 2 pa sugatan dahil sa onsehan

ONSEHAN sa drug remittance ang sinisilip na motibo ng pulisya sa pagpatay sa isang babae at pagkasugat ng dalawa pang kasamahan nito sa Quezon City nitong Miyerkules ng gabi (Enero 4).

Dead on arrival sa General Malvar Hospital (GMH) sanhi ng timanong tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Rosalina Nacua, 41, residente ng Barangay Pasong Putik, Fairview.

Sugatan naman sanhi ng tinamong tig-isang tama ng bala sa katawan at isinugod din sa nabanggit na ospital ang biktimang si Joseph Guerrero at isang nagngangalang Roselio, kapwa residente rin ng naturang barangay.

Blangko naman ang pulisya sa kung sino ang nagkasa ng pag-atake at ano ang motibo sa krimen pero malaki ang kutob na ang pamamaril sa mga biktima ay isang senyales ng paghihiganti sa ikinasang panghuhudas.

Ayon sa Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), naganap ag insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa isang bisinidad ng Barangay Pasong Putik.

Bago ito, nakatayo ang mga biktima sa lugar na tila balisa nang biglang dumating ang mga suspect na sakay sa dalawang motorsiklo at bigla silang pinagbabaril bago tumakas sa hindi malamang direksyon. Robert C. Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply