Beermen kumuha ng bagong import

KUMUHA ng bagong import ang coaching staff ng San Miguel Beermen kasunod ng hindi magandang inilaro ng dati nilang import lalo pa at ang makakaharap nila bukas (Enero 21) sa Ynares Sports Arena ay ang AirAsia Patriots na nanalo ng malaking puntos kontra sa Bangkok Cobras noong inaugural game.

Makapapalit ni Richard Jeter si 6’9” Doug Thomas ng Iowa University. Naglaro si Thomas sa Reno Big Horn ng NBA D-League at makakasama niya sa team si Dalron Johnson.

Ang bakbakan ng dalawang Philipine team ay unang paglalaro ng Beermen sa homeground na kung saan ipaparada ni coach Glenn Capacio si Chris Banchero na hindi nakalaro sa laban nila kontra Dragons dahil sa idinadaing nitong pilay. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply