Benguet problemado na sa frost bite

NATATAKOT na ang ilang mga magsasaka sa Benguet dahil sa posibleng pagkasira ng kanilang mga pananim.

Ani Aya Balanoy, executive director ng Benguet Farmers Association, ilan sa mga lugar na tinamaan ng frost bite ay ang Barangay Madaymen sa Kibungan at Sitio Paoay sa bayan ng Atok sa nasabing lalawigan.

Sinabi nito na ang frost bite ay nangyayari kung bumababa ang temperatura ng 10 degree Celsius at ang kadalasang apektado ay ang mga munisipalidad ng Atok, Kibungan, Mt. Santo Tomas at iba pang mga malalamig na lugar sa Benguet.

Ang frost bite ay maliliit na yelo na kadalasang dumidikit sa mga pananim at kung natutunaw ito ay natutuyo na ang mga dahon ng mga pananim, bagay na nakaaapekto sa kanilang paglaki.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Benguet Gov. Nestor Fongwan na hindi nababahala ang probinsya ng Benguet sa frost bite dahil alam na ng mga magsasaka ang kanilang ginagawa at hindi rin ito nakakaapekto sa supply ng highland vegetables.

Sa ngayon ay kanilang binabantayan kung ano pa ang kahihinatnan ng frost bite upang paghandaan nila ang mga susunod na hakbangin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply