Beteranang aktres sumasawsaw sa aktor na may syotang bata

HANGGANG ngayon ay patuloy pa rin daw sa paghahabol ang beteranang aktres na may anak na nabuntis sa aktor na kaedad niya na may siyota namang batang-batang girlita.

Ang kakatwa sa kuwentong ito, si aktres ay naghahabol sa aktor at ito pa ang nagbibigay ng datung sa huli. Samantalang si kapalistik na aktor habang tumatanggap ng donasyon, este, datung sa una, kinakarinyo-brutal naman nito ang batang tsik at nauutangan pa. Susme!

Noong araw nung kabataan ng mamang ito ay gwaping siya. Pero ngayong 47 anyos na itetch ay nawala na ang kanyang kagwapuhan at parang talong na natuyot sa init.

Hahaha!

Ewan kung bakit tila nababaliw pa sa kanya ang dalawang girlitang ito na sinasamantala naman niya. Dong, ang karma!

Nakapagtataka namang ang aktres na super galing umarte pero walang kalatoy-latoy mag-dialogue ay naghahabol sa kumag na ito. Marami namang iba dyan na mas may career at hindi pa siya hihingian ng anda.

Sabagay, tabachingching na rin siya at ‘yung pagka-mestiza nya ay waley na rin.

Alam kaya ng anak niyang nagluwal ng sanggol na walang ama ang kakatihan niyang ito?

***

Cesar malaki ang pakinabang sa pelikula ni Gov. ER

AMINADO Cesar Montano na kung nagkataong hindi isinabay sa mga pambatang pelikula sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pelikula ni ER Ejercito ang Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story tatabo raw sana ito ng husto sa Box-office. Action film kasi ito at hindi akma para sa mga bata.

Gayunman, malaki ang pasasalamat ni Cesar dahil naibalik ulit ng Asiong Salonga ang action movie sa Pilipinas. Kaya kampante si Montano na kikita ang pelikula niya kasama si Sam Pinto.

Anyway, tama ang obserbasyon ng morenong aktor. Hanggang ngayon ay palabas pa rin ang movie ni Gov. ER at lalo itong lumalakas. Wala na ang Panday sa katsang telon at bagama’t showing pa ang Enteng ng Ina Mo, ang Manila Kingpin naman ang humahataw sa takilya.

Nakagugulat ito dahil first time lamang nangyari ang bagay na ito sa isang pelikula na walang sawang pinanonood ng publiko. At imbes na humina na sa movie-going public dahil matagal nang naipalalabas, patuloy pa ring pumi-pick-up sa mga manonood.

***

Tribute show ng Metro Society para kay Pitoy Moreno ipalalabas sa Lifestyle Network

SA Metro tribute show na ginanap kamakailan, pinatunayan ni Pitoy Moreno na siya pa rin ang nanatiling pinuno ng Pinoy fashion, lalo’t ipinakita niya ang higit sa 100 magagarbong kasuotan sa kanyang koleksyon. Kaya buong pagmamalaking inihahandog ng Lifestyle Network (SkyCable Channel 52), ang pinagpipitagang lifestyle channel sa bansa, ang tribute show para kay Pitoy na pinamagatang “Jose Pitoy Moreno: A Tribute Gala” sa Enero 23, 12p.m., Enero 25, 11p.m. at Enero 28, 10a.m.

Tampok sa nasabing pagdiriwang ang pagtatanghal nina Rico Blanco, Rem Zamora, at Gary Valenciano, kasama ang Manila Symphony Orchestra na tumugtog ng mga Pnoy at etnikong musika. Si KC Concepcion ang host ng pagtatanghal habang rumampa naman sina Marina Benipayo, Phoemela Baranda, 2010 Ms. Universe 4th runner-up Venus Raj, 2011 Ms. Universe 3rd runner-up Shamcey Supsup, Sam Milby, Piolo Pascual, Megan Young, Lauren Young, Denise Laurel at Karylle.

Para sa mga updates, mag-logon to http://www.facebook.com/LifestyleNetwork.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o mag-text sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply