BFP chief kinasuhan ng bidder sa Ombudsman

PORMAL nang isinampa sa tanggapan ng Ombudsman ng isang nanalong bidder ang kaso laban kay Bureau of Fire Protection, Officer in Charge C/Supt. Samuel Perez dahilan sa maanomalyang pagproseso ng bidding ng pagbili sa protective equipment na umaabot sa P242.8 milyon.

Batay sa 22 pahinang reklamong isinampa ng nanalong bidder na Kolonwel Trading Corp., kabilang sa kanilang isinampa ang kasong grave misconduct, violation of RA 3019 ; 6713; at 9184 o ang Government Procurement Law dahil sa nai-award ng BFP ang kontrata sa nanalong bidder sa Kolonwel Trading pero pinaboran dito ng ahensiya ang Panpisco Tech Inc..

Ayon kay Atty. Doni Coo, abogado ng Kolonwel, noon aniyang Oktubre 19 naupo bilang OIC ng BFP si Perez kung kailan aprubado na ni DILG Sec. Jesse Robredo ang pagkakapanalo ng Kolonwel Trading subalit inupuan ni Perez ng ilang buwan at noong Dec. 28 ay nagdeklara na ito ng failure of bidding process.

Nilinaw din ng abogado na hindi kasama sa kanilang isinampang kaso si DILG  Sec. Robredo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply