‘Big 3’ gulatin upang bumaba ang oil price

GULPE de gulat.

Ito umano ang kailangang gawin sa mga dambuhalang kompanya ng langis upang pakinggan ang hinaing ng mga manggagawa at malilit na opereytor ng sektor ng transportasyon.

Ayon kay Bren Sayasa, secretary-general ng TRANSPORTER, hindi na gaanong epektibo ang kilos-protesta tulad ng tigil-pasada.

Kanina ay ikinasa na ng Pinag-isang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) ang kanilang lingguhang kilos-protesta dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Nilinaw ni Sayasa na “nakikiisa at nirerespeto” ng TRANSPORTER ang plano ng PISTON, ngunit nilinaw niyang dapat makaisip ng ibang porma ng pagtutol ang mga drayber at opereytor upang makinig ang oil firms.

“Nakikiisa at nirerespeto natin ang kanilang (PISTON) porma ng pagprotesta,” paliwanag ni Sayasa. “Pero kabisado na ng ‘Big 3’ ang ganyang uri ng protesta kaya di nila ‘yan iindahin.”

Aniya, makukuha lamang ang atensyon ng malalaking kompanya ng langis tulad ng Pilipinas Shell, Petron at Chevron (Caltex) kung “may ibang kumbinasyon (ng mga gawain) na magbibigay pangamba sa Big 3 at gobyerno.”

Ayon kay Piston national chairman George San Mateo, sisimulan nila ang kanilang protesta sa pamamagitan noise barrage sa Quezon City.

Ipinaliwang ni San Mateo na bagsak na ang presyo ng langis sa World Market dahil maliit and demand ng America at Europa kaya maraming motorista ang nagrereklamo sa biglang pagtaas ng presyo ng langis.

Dagdag pa ni San Mateo na hindi sapat ang roll back na ipinatupad ng mga kompanya ng langis at panahon na para ipatupad ang malaking rollback.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply