Big time drug supplier timbog sa awtoridad

TIMBOG ang isa sa itinuturing na big time drug supplier sa lungsod ng Bacolod sa isinagawang buy bust operation ng City Anti-illegal Drugs Special Operations Task Force (CAIDSOTF) ng Bacolod City Police Office.

Nasa kustodiya na ngayon ng CAIDSOTF ang suspek na kinilala na si Retzy Amatunding, 23-anyos, residente ng Gonzaga St., Barangay 12, lungsod ng Bacolod.

Nakumpiska mula kay Amatunding ang isang malaking plastic sachet na pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P32,000.

Sinabi ni Bacolod City police office director S/Supt. Ricardo Dela Paz, na si Amatunding ang itinuturo ng mga drug pusher, na una nang nahuli ng pulisya na nagsu-supply ng droga na kinukuha pa nito sa Iligan City.

Itinuturing ni Dela Paz na ang pagkahuli kay Amatunding na malaking accomplishment sa kampanya ng kapulisan laban sa iligal na droga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply