Big time oil price hike kinunsinti ng DOE

MULING kinunsinte ng Department of Energy (DOE) ang big time oil price hike ng mga oil company kaninang madaling araw.

Ayon kay energy spokesman Undersecretary Jay Layug, kung tutuusin ay mas mataas pa ang kanilang kalkulasyon na pagtaas ng presyo ng langis.

Pinakamalapit umano sa pagtaya ang ginawang oil price increase ng kompaniyang Eastern Petroleum.

Idinagdag pa ni Layug na asahan na sa susunod na linggo ay mararamdaman na naman ang paggalaw ng presyo ng produktong petrolyo.

Una rito, nagpataw ng P1.50 kada litro ng diesel at P1.75 bawat litro ng gasolina ang dagdag sa presyo ng Eastern Petroleum.

Alas-6:00 naman kaninang umaga, sabay-sabay na nagtaas ng P1 sa kada litro ng gasolina, diesel at kerosina ang kompaniyang Petron, Chevron, Total at Flying V.

Maliban dito, itataas din ng Petron ng P1.70 ang kada litro ng kanilang industrial fuel oil (IFO).

Ipinaliwanag pa nito an ang sabayang oil price hike ay dahil sa patuloy na umiigting na kaguluhan sa Strait of Hormuz dahil dito dumadaan ang 80 porsyento ng suplay ng petrolyo sa bansa.

Nagpaliwanag na rin si Energy Secretary Jose Rene Almendras na bukod sa suliranin bunsod ng nakaambang pagtaas ng presyo, magkakaproblema rin ang Pilipinas sa suplay sakaling lumala ang sitwasyon dahil 30 araw lamang ang reserbang suplay ng krudo sa bansa habang 15 araw naman ang finished product na diesel at gasolina.

Nagbabala rin si Layug na kung tuluyang isara ang Strait of Hormuz ng Iran ay dapat na magdasal na ang lahat dahil hindi maiiwasang magpatupad ng ng pagrarasyon ng suplay ng langis.

Kaya naman ngayon pa lamang habang nag-iisip ng mga paraan ang DOE sa pagharap sa worst case scenario, dapat na sumunod din sa pagtitipid ng langis ang mga motorista at lahat ng sektor ng lipunan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply