Bigo sa asawa kaya muling magbabalik-Pinas!

BUHAY na buhay si Beth Tamayo na napanood sa taped interview ng “Paparazzi” ng TV5. Hindi siya ang taga-China na binitay gaya ng napabalita kamakailan.

Ibinalita rin niya na nilalakad na ang diborsyo nilang mag-asawa dahil napunta rin sa hiwalayan ang lahat.

Nadamay lang siya sa problema nilang mag-asawa kaya sumama siya noon na umalis ng bansa. Pero klaro naman daw ang pangalan niya at wala siyang kaso.

Balak niyang bumalik sa Pinas next year.

***

BATI na sina Willie Revillame at Jobert Sucaldito. Maganda ang pakiramdam niya sa pangyayaring ito dahil may time noon, mga two years na ang nakararaan, na gusto silang pagbatiin at mag-ayos pero hindi siya pumayag. Hanggang dumating na ang God’s perfect time.

Ikinuwento rin niya kay Willie ang muntik nilang pagbabati at nagkasalubong sa victory party ni Manny Pacquiao sa Corinthian Club House.

“Natuwa ako dahil nabawasan na naman ang mga tinik ko. Alam mo ‘yung ganoong feeling?,” bulalas niya sa amin nang makatsikahan namin si Jobert sa Zirkoh, Morato.

“Two years and 8 months din kaming nagkasamaan ng loob ni Willie – tagal din ha? and who would ever think na maaayos ito nang walang funfare, di ba? Sarap ng feeling. It’s nice to make everything positive. Ano kaya ang magiging reaksiyon namin pag nagkita kami next week? Kaloka! Nakatutuwang nakakaloka, di ba? hay naku,” post ng kaibigang Jobert sa kanyang Facebook account.

“Kung hindi mo ako inaway, hindi sana gumanda lalo ang buhay ko. Salamat ha?” sey ni Willie kay Jobert sa phone.

Ang sagot naman ni Jobert, “Hindi kita inaway. Let’s put it this way – kung hindi tayo nagkaproblemang dalawa, hindi ka lalong yumaman.

May mga yate ka na, eroplano at mga bahay. Hindi ko nga nasabi yung Wil Tower. Nakalimutan ko na ‘yun. Hahaha. Kaya sabi ko ganun na lang ba ‘yun? Dapat may komisyon ako. Nagtawanan kami and pro mised na magkikita kami for lunch next week.”

Kasama ni Jobert that time sina ‘Nay Cristy Fermin. At after raw nila mag-usap sa phone, nagpasalamat pa si Willie kay ‘Nay Cristy sa pagtutulay sa dalawa.

“Pagkatapos malaman ni Gov ER. Sabi niya sama ako sa lunch ninyo ha? Pasasalamatan ko lang siya dahil palagi niyang pina-plug ang Asiong Salonga movie natin sa ‘Wil Time Big Time,’” lambing ni Gov. ER Ejercito.

“Masarap makipagbati sa taong nakasamaan mo nang loob in God’s perfect time. Nangyari sa amin ni Willie Revillame iyan last night (Biyernes) sa Annabel’s Resto habang hinihintay namin ni Nay Cristy Fermin si Gov. ER Ejercito for her one-on-one interview. Sa phone lang kami nag-usap ni Willie who’s currently in Macau.

Sa loob ng 2 years and 8 months, humilom na ang sugat sa amin ni Willie kaya masaya kaming naghalakhakan sa phone. And we’ll have lunch when he comes back next week. In short, all’s well that ends well. Hay buhay… parang life. Ha! ha! ha!,” sey pa ni Jobert.

Willing na ba niyang makabati si Kris Aquino dahil bati na sila ni Willie?

“In God’s Will,” diretso niyang sagot.

Anyway, simula nu’ng January 9, nasa 10 p.m. slot na ang “Mismo” ni Jobert sa DZMM. Yes, sa halip na sa 3 p.m. slot, the program will be regularly heard sa ganoong oras ng gabi.

***

BONGGA talaga ang “Banana Split” dahil may spoof sila sa kontrobersyal at pinag-usapang dance performance ng Department of Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag complete with back-up dancers. Talaga namang kaaliw ang pagsayaw ni Dr. Tayag na ni-request pa sa TV Patrol na i-replay.

Anyway, pls post or send me vids of you dancing to the tune of Hot Issue ng Banana Split. Gagawa sila ng VTR ng mga peep na sumasayaw ng Hot Issue! email: jrli98@yahoo.com.

‘Yun na!

***

MAGANDA ang pasok ng 2012 kay Bayani Agbayani dahil bati na rin sila ni Dingdong Dantes. Nagkaroon nang isyu sa dalawa dahil sa naging isyu sa kanila ni Marian Rivera.

Nagkita raw sila at nagyakapakan noong MMFF parade of stars kung saan nagsisilbing host si Bayani at si Dingdong naman ay sumampa sa stage sa Quirino Grandstand pagkatapos ng parada upang mag-promote ng kanilang movie ni Kris Aquino, ang Segunda Mano.

Well, alls well that ends well talaga ika nga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply