Biktima ng bagyo, landslide ipinagdasal sa Itim na Nazareno

NAG-ALAY ng panalangin ang mga mananampalatayang Katoliko sa mga naging biktima ng bagyong Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan City at biktima ng landslide sa isang mining site sa Compostela Valley, kasabay nang pagdiriwang ng pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila ngayong araw.

Hiniling ni Manila Archbishop Luis Antonio Tagle sa mga deboto na alalahanin ang mga Pilipinong kasalakuyang nagsusumikap na makabangon mula sa mga trahedya na naminsala kamakailan sa Visayas at Mindanao.

“Pwede bang tumahimik tayo sandali (at) mag-alay ng panalangin sa Poong Hesus Nazareno para sa ating kapatid na nagdurusa,” ani Tagle, sa kaniyang homiliya sa pinangunahang banal na misa sa Quirino Grandstand bago ang prusisyon sa Itim na Nazareno.

Sinamantala na rin ng arsobispo ang okasyon upang manawagan sa mga mamamayan na pangalagaan at bigyang respeto ang kalikasan sapagkat napababayaan na umano ito, na siyang nagreresulta sa mga kalamidad.

“’Yung ating espiritu na nagsisira sa kalikasan … Kung paano sinisira ang kapwa tao sinisira ang kalikasan,” aniya.

Matatandaang mahigit 1,200 katao ang namatay dahil sa flashfloods na dulot ng bagyong Sendong sa Northern Mindanao noong Disyembre habang mahigit 30 katao naman ang patay sa landslide nitong nakaraang linggo sa gold panning site sa bayan ng Pantukan sa Compostela Valley.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply