Biktima ng paputok pumalo na sa 739

PUMALO na sa bilang na 739 ang kaso ng insidente ng naputokan sa buong bansa nitong Bagong Taon.

Sa  pinakahuling tala naman ng Department of Health (DOH) ay umabot sa bilang na 712 ang biktima ng paputok, 22  ang tinamaan ng ligaw na bala  at lima naman ang nakalunok ng pulbura ng paputok.

Dahil nabigo ang kagawaran na mapababa ang bilang ng kaso ng firecrackers sa kabila ng kanilang anti-firecrackers campaign ay iminungkahi ni Health Secretary Enrique Ona ang total ban sa paggamit ng mga paputok dahil na rin sa dami ng nabibiktima nito na kadalasan ay mga kabataan.

Pangunahin pa rin ang piccolo sa mapaminsalang paputok na sanhi ng pagkasugat ng mga biktima, sinundan ng kuwitis, fountain, five star at lusis.

Ayon sa DOH, may 422 naitalang biktima ng paputok sa National Capital Region (NCR), 58 sa Ilocos at 53 naman sa Central Luzon.

Nabatid na patuloy pa rin ang pagbibilang ng mga biktima ng paputok sa Enero 5 dahil posible pa umanong may hahabol pa na isusugod sa mga ospital. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply