Bilanggo tinaman ng ligaw na bala sa Kyusi

NASUGATAN ang isang bilanggo sa Quezon City Jail (QCJ) makaraan umanong tamaan ng ligaw na bala sa kasagsagan ng putukan sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Nabatid na nagtamo ng tama ng bala sa kanang hita ang inmate na si Jeffrey Abas ng Brgy. Talayan, Quezon City na agad namang isinugod sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Base sa pahayag mismo ni Abas, nanonood sila ng fireworks display nang bigla na lamang sumakit ang kanyang hita at nagulat siya nang makitang tumatagas na ang dugo.

Halos dalawang buwan pa lamang si Abas sa QCJ dahil sa bagansiya.

Isinasantabi naman ng pamunuan ng QCJ ang posibilidad na galing sa isa sa kanilang mga tauhan o sa kalabang grupo ng inmate, ang bala na tumama kay Abas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply