Binahang lugar sa CDO, nasunugan naman

HINDI pa man nakaaahon sa paglubog sa baha, tinupok naman ng apoy kahapon (Enero 15) ang ilang mga kabahayan sa isa sa mga lugar na nasalanta ng bagyong “Sendong.”

Aabot sa 15 bahay ang nasunog sa Zone 2, Vamenta Boulevard, Carmen, Cagayan de Oro City.

Hindi pa matukoy ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi at pinagmulan ng sunog dahil sa nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon sa naganap na insidente.

Napag-alamang gawa sa light materials ang karamihan sa mga bahay kaya madaling kumalat ang apoy.

Tinatayang aabot sa P500, 000 ang danyos sa nasabing sunog. Wala namang naiulat na nasaktan sa pangyayari.

Ang lugar na pinangyarihan ng sunog ay isa sa mga apektado ng pagbaha hatid ng bagyong “Sendong” noong nakaraang buwan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply