BIR chief haharap sa Impeachment Court ngayon

HAHARAP ngayon sa Impeachment Court si Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto-Henares bilang testigo ng prosecution sa pagpapatuloy ng paglilitis sa impeachment case ni Chief Justice Renato Corona.

Sa idinaos na press conference sa Deparment of Justice (DOJ), sinabi ni Henares na kahapon (Enero 18) ay natanggap na niya ang subpoena kung saan nakasaaad ang kautusang ipakita niya sa Impeachment Court ang income tax return (ITR) ni Corona, asawa nitong si Cristina at anak na si Carla at ang asawa naman nitong si Constantino Castillo III.

Ani Henares, maliban sa mga ITR, ibig din ng Impeachment Court na maipakita ng pinamumunuag ahensya ang sales receipt ng mga ari-arian ng punong mahistrado gaya ng Bellagio Tower 1 sa Taguig City, La Vista Subdivision at Burgundy Plaza sa Quezon City.

Ngunit sinabi ni Henares na hindi niya madadala ang mga nabanggit na dokumento dahil ito ay manggagaling pa sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Ipinaliwanag ng commissioner na kailangan pang humingi ng authorization mula kay Pangulong Benigno Aquino III, sa pamamagitan ni Finance Secretary Cesar Purisima bago ipalabas ang mga dokumento dahil sakop ito ng mga umiiral na batas.

Sinabi ni Henares, na siya ay maaaring maharap sa iba’t ibang kaso kung ipipilit ng Impeachment Court na ipalabas ang mga nasabing dokumento.

Samantala, inaasahan ding sasalang ngayon sa ang mga registrar of deeds at city assessor ng anim na lungsod na kinatatayuan umano ng mga lupain at condo unit ng chief justice.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply