Kim Henares dinikdik ang pamilya Corona

MAKARAANG payagan ng Senado ang pagtestigo ni Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto-Henares laban kay Supreme Court Chief Justice Renato, naging limitado naman ang ginawang pagsalaysay nito sa hukuman.

Dahil dito, nagawa ng depensa ni Corona na maisantabi ang pagtalakay sa isyu ng “ill-gotten wealth” ng punong mahistrado.

Sa halip, pinayagan lamang ang House prosecution panel na tanungin si Henares hinggil sa “authenticity” ng mga kopya  ng income tax returns (ITRs) ng nasasakdal at misis na si Maria Cristina Corona.

“We discussed the merits of both memoranda. This Impeachment court has arrived at a decision in that caucus that this court will allow the introduction of evidence in impeachment Article 2 2.2 and 2.3 but not in paragraph 2.4,” giit ni Presiding-Judge Juan Ponce Enrile.

Ang tinutukoy na paragraph 2.4 ay tumatalakay sa sinasabing mga nakaw na yaman ng punong mahistrado.

Pero inamin din ni Henares na bagama’t wala silang records ng income tax returns (ITR) ni Corona, hindi nangangahulugang hindi nagbayad ng buwis ang punong mahistrado.

Ipinaliwanag ng BIR chief na bilang empleyado ng isang sangay ng gobyerno, sa halip na maghain ng ITR ay binabawasan ng buwis si Corona sa pamamagitan ng withholding tax.

Ito umano ay nakasaad sa tinatawag na “Alpha List” ng kataastaasang hukuman.

Pero sa pagtatanong ni Senator-Judge Ralph Recto, inamin ni Henares na bagama’t hindi nagsumite sa kanila ang Supreme Court ng “Alpha List” hindi naman nangangahulugang hindi nakaltasan ng buwis si Corona.

Samantala, hiniling na ng House prosecution team ang pag-subpoena sa mga sinasabing bank accounts ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona at misis nitong si Cristina.

Batay sa rekord ng impeachment court, kabilang sa hinihinging records ng prosecution ay mula sa limang bangko.

Hinihiling din ng prosecution ang rekords mula sa Securities and Exchange Commission (SEC) hinggil sa kompanyang sinasabing pag-aari ni Mrs. Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply