BIR ‘di sinisisi sa kawalan ng aksyon sa ITR ni Corona

NILINAW ngayon ng prosekusyon na hindi nila sinisisi ang kawalan ng agarang aksyon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ukol sa hindi pagdedeklara ng income tax return (ITR) ni Supreme Chief Justice Renato Corona at asawa nitong si Cristina mula noong 2002 hanggang 2010.

Ipinaliwanag ni Deputy speaker Erin Tañada, na komplikado ang isyu para sa BIR lalo na’t isang punong mahistrado ang sangkot.

Maaalalang inamin ni Internal Revenue Commissioner Kim Henares na noong Martes (Enero 24) lamang niya nalaman ang detalye ng tax record ng punong mahistrado matapos uminit ang usapin ng impeachment trial.

Tiniyak naman ng mga kongresista na kahit hindi mapag-usapan ngayon ang isyu ng ill-gotten wealth ng pamilya Corona, ay gagawa pa rin sila ng paraan para maimbestigahan ito sa ibang pagkakataon upang lumutang ang katotohanan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply