BIR, RD exec tetestigo vs Corona

NAKATAKDANG tumestigo sa impeachment court ang isang opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at isa ring opisyal ng Register of Deeds nang hindi binanggit na lungsod upang patunayan ang akusasyon na may tagong yaman si Chief Justice Renato Corona.

Sa isang source na nakalap ng www.remate.ph, sinabi na nagpahayag ng matibay na intensiyon ang dalawang hindi pinangalanang opisyal na tumestigo sa impeachment court upang palakasin ang akusasyonn ng House prosecution panel sa sinasabing ill-gotten wealth ni Corona.

Ayaw banggitin ng source ang pangalan ng dalawang testigo ngunit sinabi na malaki ang magiging papel ng dalawa sa 2nd Article of Impeachment na inihain kay Corona.

Nauna nang ibinulgar ng prosecution panel sa impeachment court sa pangunguna ni Iloilo Rep. Niel Tupas na umabot sa 45 iba’t ibang ari-arian sa tatlong lungsod sa Kamaynilaan, sa Taguig City, Makati City at Pasay City mayroon si Corona.

Ipagpapatuloy ng impeachment court ang paglilitis kay Corona sa Martes, dakong alas-2:00 ng hapon. Ernie Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply