Bise-alkalde ng Cotabato tinambangan, ligtas

NAKALIGTAS si Cotabato Vice Mayor Datu Muslimin Sema makaraang pagtangkaang tambangan at barilin ng dalawang kalalakihan kaninang umaga, Enero 10, sa Cotabato City.

Nabatid na dakong alas-11:00 ng umaga nang tambangan si Sema na papauwi na sa kanyang tahanan galing sa pagdalo sa sesyon ng sangguniang panlalawigan.

Ayon kay Cotabato City police director S/Supt. Danny Reyes, nagpapagaling na lamang sa ospital ang alkalde na tinamaan sa leeg at pisngi.

Nasawi naman ang isang suspek na hindi pa nakilala habang nahuli naman ang sugatang isa pa na nakilalang si Jermin Abdullah na nakasuot pa ng bullet proof vest at nakuha sa kanyang pag-iingat ang naka-silencer na M16 armalite rifle.

Nabatid pa na kahit may tama na, nagawa pang makipagbarilan ni Sema sa mga suspek at ang kanyang mga security escort.

Si Sema ay dati na ring naging mayor at chairman ng Moro National Liberation front (MNLF).

Patuloy pang inaalam ang motibo sa pamamaslang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply