Bise alkalde ng Ilocos Norte arestado sa Rizal

MATAGUMPAY na naaresto ng pinagsanib na puwersa ng PNP Bacarra at Ilocos Norte police si Ilocos Norte Vice Mayor Pacifico Velasco sa San Mateo Rizal kaninang umaga, Enero 18.

Naaresto ang vice mayor sa Greenland Village subdivision sa Brgy. Ampil, San Mateo, Rizal kaninang umaga.

Nabatid na sumailalim ang bise alkalde sa mugshots, finger printing at iba pang proseso bago i-turnover sa Sandiganbayan 3rd division.

Matatandaang ang opisyal ay matagal nang hinatulan ng Sandiganbayan na makulong dahil sa kasong graft and corruption na isinampa laban sa kanya ni dating Bacarra Mayor Leonardo Velasco.

Matagal nang ipinalabas ang warrant of arrest laban sa kanya.

Ilang beses na ring humingi ng extension ng sick leave ang bise mayor.

Samantala, ayon naman sa anak ng bise alkalde na si Konsehal Jayjay Velasco susuko na sana ang kanyang ama noong Lunes.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply