Bitoon umiinit sa 4th Chennai Open

SUMULONG ng tatlong sunod na panalo si Pinoy grandmaster Richard Bitoon (Elo 2515) upang makabangon sa SDAT-RMK 4th Chennai Open Grand Master Chess Tournament sa Chennai, India.

Nakalikom si Bitoon ng 4.0 points matapos ang fifth round upang makisalo ito sa 11th to 35th places habang 10 woodpushers naman ang magkasalo sa top spot na may 4.5 puntos.

Pinisak ni seed No. 9 Bitoon ang mga Indian chessers na sina Ajay Krishna sa round 3, WIM Dhar-Barua Saheli (Elo 2115) sa round 4 at Singh Vikramjit sa round 5.

Matapos manalo ni Bitoon sa round one kay Rathanvel V S ay nabigo naman ito sa second round kay Divyasree Chandika ng host country.

Kailangan manaig si Bitoon sa pakikipagsagupaan nito kay IM Debashis Das (Elo 2389) ng India sa round 6 upang mapalakas ang tsansa sa titulo.

Samantala umahon din agad ang kababayan ni Bitoon na si GM John Paul Gomez (Elo 2506) matapos gibain si FM Gagare Shardul (Elo 2268).

Kasama sa liderato si No. 10 seed Gomez matapos ilista ang perfect 3.0 points subalit nabigo sa round 4 kay IM Vishnu Prasanna (Elo 2392) ng India.

Kagaya ni Bitoon, kailangan din manalo ni Gomez sa round 6 para makalapit ng bahagya sa inaasam na titulo.

Si GM Mark Paragua na isa ring Pinoy bet ay nanalo sa fifth round laban kay Aaditya Jagadeesh upang ilista ang 3.5 points habang si No. 3 ranked Oliver Barbosa ay minalas naman sa nasabing round. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply