Bituing biglang ningning

MAY mga tao kaya na sadyang may kakambal na swerte?

O ito ay kaloob ng Diyos sa mga tao na sa oras ng kagipitan ay ipadarama niya na nasa tabi siya at kailanman ay hindi ka iiwanan.

Heto ang ilan.

Si Harold Russel ay isang training army para-trooper noong 1944 nang maputol ang kanyang mga kamay nang biglang sumabog ang mga hawak niyang TNT explosive.

Pinalitan ang kaniyang mga kamay ng hook.

Noong naghanap ng artista ang batikang direktor ng Hollywood na si William Wyler na gaganap bilang isang ampitee sa pelikulang “The Best Years of Our Lives” ay sinugalan niya na gawing artista si Russells bagama’t wala naman siyang acting experience.

Naging matagumpay ang pelikula at nanalong Best Supporting Actor sa Academy Awards si Russells.

Si Edward Furlong noong 1991 ay fourteen years old lang.

Ordinaryong teenager at walang karanasan sa pag-arte.

Isang acting agent ang nakakita sa  kanya sa isang Boys Club sa Pasadena,  California at pinag audition sa isang role.

Bagamat walang karanasan sa acting ay naipasa niya ang audition.

Siya ang gumanap na batang kasama ni Arnold Schwarzenegger sa pelikulang Terminator 2.

Si Norma Jean Dougherty ay nineteen years old no-on nang silayan siya ng isang professional photographer sa isang factory noong World War II.

Taga-spray lamang siya ng glue sa aircraft fabrics noon.

Nagustuhan ng mga taga-Twentieth Century Fox na isang malaking movie production si Norma.

At siya ay sumikat bilang Marilyn Monroe.

Mga reader, baka sakali sa pamilya ninyo ay may su-sunod na bituing biglang niningning. Ipagdasal natin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply