BJMP inutil sa lusutan ng droga sa piitan

SA kabila ng mahigpit na kampnya ng gobyerno laban sa iligal na droga ay lumalabas na inutil pa rin ang pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology na Masugpo ang pagpapalusot ng ipinagbabawal na droga kasunod ng pagkakahuli sa akto ng dalawang inmates na sumisinghot ng shabu sa loob ng Naga City District Jail.

Kinilala ang mga nahuling sina Carl Mark Pererz at Primo Palmonares na nahaharap sa kasong paglabag sa iligal na droga.

Sinasabing isang Jail Officer 1 Allan Narvaez ang nakahuli sa dalawa sa loob mismo ng CR bandang 8:00 ng umaga.

Nakuha sa pag-iingat ng ng dalawa ang ilang paraphernalia at aluminum foil.

Kaugnay nito, madaragdagan ang kaso ng mga suspek na una na ring nasangkot sa droga o paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Masusing iniiimbestigahan na ng awtoridad kung sino ang sangkot sa pagdadala ng mga ipinagbabawal na gamot sa kulungan sa kabila ng kanilang mahigpit na pagbabantay sa mga bumibisita sa mga ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply