‘Black Monday’ protest suporta ng SC kay Corona

IKINASA ng mga empleyado ng Supreme Court ang “Black Monday” protest upang suportahan si Chief Justice Renato Corona sa unang araw ng paglilitis sa Senado.

Tinatayang may 10,000 empleyado ng Korte Suprema ang nagsuot ng itim na t-shirt bilang simbolo ng kanilang pagtutol sa anila’y pag-atake sa kalayaan ng hudikatura.

Ang mga empleyado ay dumalo sa flag ceremony sa Maynila, bilang pagsuporta sa punong mahistrado.

Sila ay dumalo rin sa misang isinasagawa sa Korte Suprema ngayon.

Inaasahan ding magra-rally ang mga empleyado ng Quezon City Hall of Justice ngayong umaga, para suportahan ang punong mahistrado.

Lalahok din ang mahigit 27,000 empleyado ng Korte sa buong bansa sa kilos-protesta.

Hinimok rdin ng Manila Judges Association ang mga huwes at empleyado ng Korte sa mga lalawigan na magsagawa ng programa at sumali sa “Walk for Democracy” upang suportahan si Corona.

Inihayag naman mismo ng kampo ni Corona na dadalo ito sa unang araw ng paglilitis mamayang hapon.

Inaasahan na magtatagisan ng galing at talino ang magkabilang panig ng prosecution at depensa mamaya.

Base sa kasaysayan, ito ang kauna-unahang impeachment trial sa isang Punong Mahistrado ng bansa.

Samantala, nais ng Senado at Kongreso na tapusin ang paglilitis bago mag-break sa Marso 27, para sa panahon ng Kuwaresma.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply