Blackwater Elite pasok sa q’finals

UMAHON sa bangin ng eliminations ang Blackwater Elite nang pabagsakin ang RnW Pacific Pipes, 65-48, para masungkit ang huling slot sa quarterfinals ng PBA Developmental Aspirants Cup sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Nalaglag naman ang Café France sa kanilang pang-anim na pagkatalo nang sagasaan ng outright semifinalist at defending champion NLEX Road Warriors, 89-107.

Si Far Eastern University shooter RR Garcia ang nanguna sa panalo ng Road Warriors sa kanyang 25 puntos na dinagdagan ni Chris Ellis ng 16. Nagsara ang tropa ni coach Boyet Fernandez sa 9-1 win-loss record habang nahulog sa 4-6 ang Café France.

Maghihintay ang NLEX at Cebuana Lhuillier Gems (8-2) sa mangunguna sa quarterfinals na paglalabanan ng Freego Jean Makers, Big Chill, Boracay Rhum at Blackwater Elite na magsisimula ang bakbakan sa Huwebes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply